ISANG MAKASAYSAYANG HAKBANG PARA SA BAGONG TAHANAN NG CCC!
Mula sa buwis ng CalambeΓ±o na masinop na ginagamit ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba.
Nagsagawa kaninang umaga, Agosto 19, 2026, ng Groundbreaking Ceremony para sa New City College of Calamba Campus, isang mahalagang hakbang tungo sa mas malawak, mas moderno, at mas maunlad na tahanan para sa edukasyon ng mga kabataang CalambeΓ±o.
Ang pagtatayo ng bagong campus ay isang proyekto ng Calambagong Pamahalaan sa pangunguna ni Hon. Mayor Roseller H. Rizal, katuwang ang Pamahalaang Lungsod at ang City College of Calamba. Higit pa sa pagtatayo ng mga bagong gusali, ang proyektong ito ay kumakatawan sa patuloy na pamumuhunan ng lungsod sa edukasyon, oportunidad, at kinabukasan ng bawat pamilyang CalambeΓ±o.
Dumalo sa makasaysayang okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Board of Trustees ng CCC, City Department Heads, College Officials, mga miyembro ng Supreme Student Council, at iba pang institutional at community stakeholders, bilang pagpapakita ng nagkakaisang suporta para sa patuloy na paglago at pagpapaunlad ng City College of Calamba.
Ang bawat pundasyong ilalatag sa bagong campus ay magiging pundasyon din ng libo-libong pangarapβmga pangarap ng mga magulang na makapagtapos ang kanilang mga anak at ng mga kabataang CalambeΓ±o na naghahangad ng mas magandang kinabukasan.
Mula sa pangarap tungo sa katuparan. Mula sa pundasyon tungo sa mas matatag na kinabukasan. Ito ang bagong yugto ng City College of Calamba.
Para sa edukasyon. Para sa kabataang CalambeΓ±o. Para sa bawat pamilyang CalambeΓ±o.